Veteranos de la Revolucion | Filipino revolutionary song @misskonaxia
Veteranos de la Revolucion | Filipino revolutionary song  @misskonaxia
Uploaded November 2023 | Updated September 2026, 2 weeks ago
(magiging ia aq this month, huhu)

A popular song during the American occupation of the Philippines with multiple variants appearing, often changed to reflect social changes within the country.

Lyrics:
O bayang minamahal — Pilipinas, Pilipinas !
Sa puso nami't diwa
Pag-ibig ay wagas, tapat at dakila.

O bayang sakdal dilag — Pilipinas, Pilipinas !
Sagana sa kayamanan
at gayundin sa bulaklak ng halaman.

Kung tanawi’y walang makapaparis
tulad ng bituing nagniningning
O bayan kong nililiyag
bayang lagi na sa paghihirap

Kailan mo pa makakamtan ang minimithing kalayaan ?
Kailan mo pa makakamtan ang minimithing kalayaan ?
Kailan mo pa makakamtan ang minimithing kalayaan ?
O bayan ko, o bayan kong sakdalan ng ganda.

|: Buhat nang dumating ang imperyalista
Inang Pilipinas, muling nakadena
May tali ang kamay, may piring ang mata
at ang kalayaa'y dagling naglaho na. :|

|: Ang mga bayaning matatapang
ay 'di na natakot makilaban
Nagsikap maipagtanggol lamang
ang minimithi nating kalayaan :|

Buhat nang dumating ang imperyalista
Inang Pilipinas, muling nakadena
May tali ang kamay, may piring ang mata
at ang kalayaa'y dagling naglaho na.

Ina naming minamahal (kami'y inyong kaawan)
Sa landas ng katuwiran (kami'y inyong patnubayan)

|: At ito pong aming samahan
Veteranos ang pangalan
Simulai'y 'di masisinsay
sa bayaning kautusan. :|

Inang Bayan, siyang tunay
na siyang sakdalan ng buhay;

I: Sa ‘ting Inang Baya’y gawing munting alay Pag-ibig at itong ating abang buhay
Kalayaa’y ngumingiti ang pagsilay
Magkaisa at makipaglaban. :|

Gumising ka, o bayan kong nahihimlay
bayang duhagi na sa kaalipinan
Magbangon ka, itindig ang himagsikan
palayain s'ya’y ating paglilingkuran.

At alalahanin natin ang sigaw niya na malakas
ng ating bunying bayaning si Gat Andres Bonifacio doon sa Balintawak
at kanyang iwinasiwas ang isang matalas na tabak
Nais pa niya ang mamatay kaysa api itong ating bayang Pilipinas.

Ang kaunaunahang Supremo
ay si Gat Andres Bonifacio
Siya'y isinilang sa Tondo
na siyang namuno sa Pilipino
Mithi niya’y lumaya tayo
sa kaalipinang totoo.

Inang Pilipinas, Inang Pilipinas !
na sagana sa paghihirap;

|: Ngayo’y dapat nating malaman
ang ating Inang Bayan
Siya ay naghihintay
magtapat nga lamang tayo sa ating bayan. :|

|: Tayo ay magkaisa sa pakikibaka
at ating hanguin sa pagkaalipin
Magkaisa tayo ng ating damdamin
upang ating malasap ang kalayaan. :|

Kaya’t tayo ngayo’y dapat magkaisa
at ating hanguin bayang nagdurusa
Malaon ang araw tayo’y nagtitiis
Tayo’y nagbabata ng hirap at sakit.

Halina mga kababayan
Yakapin natin ang kahirapan
Upang tubusin natin ang bayan
Sa duyan ng kaalipinan !
Veteranos de la Revolucion | Filipino revolutionary songAwit ng PakikibakaDem Revolutionär Jesus zum Geburtstag | German song about Jesus ChristBatakan nga Aktitud in Filipino | Batayang AktitudNo Lie that Carabaos Are More Precious than Capitalists Who Live On Others SweatPapuri sa Sosyalismo / Bayan, Bayan, Bayan KoTao ang Mahalaga | Filipino Maoist songNoi vogliam Dio in camicia rossaAng Pasko ay Sumapit (revolutionary version) | AI coverSmelo, tovarišči v nogu in fife and drumBonhomme (French Blanquist song about the Paris Commune)Bulok na Estado (Filipino revolutionary song)
missyoy |

Veteranos de la Revolucion | Filipino revolutionary song

SHARE TO X SHARE TO REDDIT SHARE TO FACEBOOK WALLPAPER