BAKAalaman – Episode 12The Cattle Production Chain @GreatArchFarmPH
BAKAalaman – Episode 12The Cattle Production Chain  @GreatArchFarmPH
Uploaded January 2026 | Updated September 2026, 1 week ago
BAKAalaman – Episode 12
The Cattle Production Chain

Mga Kabaka, napansin n’yo ba?
May mga bakang pareho ang pakain, pero magkaiba ang resulta. May mga farm na tuloy-tuloy ang kita, habang ang iba ay paikot-ikot sa problema.

Sa BAKAalaman Episode 12, pag-uusapan natin ang pinakapundasyon ng cattle production — ang Cattle Production Chain.

Sa The Philippine Cattle Feeding Handbook, ito ang tinatawag nating The 3 Stages of Production:
• Breeding
• Backgrounding
• Fattening

Hindi ito magkakahiwalay na gawain.
Ito ay isang magkakaugnay na chain.

Ang breeding ang nagpo-produce ng guya.

Ang backgrounding ang naghahanda sa katawan ng baka.

At ang fattening ang naglalabas ng kita.

Kapag mahina ang breeding, kulang ang supply. Kapag kulang ang backgrounding, hirap ang pataba. At kapag mali ang fattening, masasayang ang lahat ng naunang paghahanda.

Ito ang dahilan kung bakit ang tagumpay sa cattle ay hindi swertehan. Ito ay disiplina at tamang proseso.

Maraming farm ang diretso agad sa pataba, pero hindi tinatanong kung handa na ba ang baka para sa ganitong sistema.
Ang production chain ang nagbibigay ng malinaw na sagot sa tanong na iyon.

Sa episode na ito, inilalatag natin ang buong larawan.
Sa mga susunod na episodes, isa-isa nating pag-uusapan ang bawat yugto,
simula sa pinaka-ugat ng lahat — breeding.

Ako po si Kabakang Arnel,
at ito ang BAKAalaman.
Kaalamang mula sa karanasan, para sa inyong kabuhayan.

#BAKAalaman
#KabakangArnel
#GreatArchFarm
#PhilippineCattleFeeding
#CattleProductionChain
#FeedingSequence
#FarmDiscipline
#OFWFarmers
#ProudlyPinoyBeef
BAKAalaman – Episode 12The Cattle Production Chain2 November 2025Red WagyuKEYS TO SUCCESS IN TROPICAL PASTURE-BASED BEEF CATTLE BREEDINGCATTLE FARMING: MORE ON SILAGE BUNKERMAD COW DISEASEWATER CONSERVATION: FROM FLOODWATER TO RICE FIELDSBAKAalaman Episode 25 - Local Skills, Global Value: Ang Landas ng Pilipinong StockmanBAKAalaman – Episode 12 November 2025IMPORTANCE OF PROPER  CATTLE BREEDINGBakaalaman Episode 30 - Parehong Pakain, Magkaibang Resulta
Great Arch Farm ni Kabakang Arnel |

BAKAalaman – Episode 12The Cattle Production Chain

SHARE TO X SHARE TO REDDIT SHARE TO FACEBOOK WALLPAPER