Uploaded September 2023 | Updated September 2026, 2 weeks ago
Written by Rody Vera of the cultural group « Patatag ».
1. Hindi tayo titigil hangga't 'di nagwawagi
Ang ating mithiing magkapantay-pantay
Walang magsasamantala, walang mang-aapi
'Yan ang sandigan ng ating pamumuhay.
2. Ihahakbang natin ang bagong kaisipan
Ng pinakasulong na uri ng lipunan
Mananaig ang diwa ng proletaryo
Bawa't hakbang nati'y patungong sosyalismo.
3. Magbabago ang paggamit ng ating makina
Hindi na gagamitin sa pagsasamantala
Ating yayariin, atin lamang gagamitin
Walang pagtutubuan sa ating lilikhain.
4. Pasya ng karamihan ay ating lilikumin
Agad tutupdin nang walang alinlangan
Babaguhin ng proletaryo ang buong mundo