@lunti0wl
  @lunti0wl
geiko | papunta saan? @lunti0wl | Uploaded October 2019 | Updated October 2024, 5 minutes ago.
hello! i know it's been a while but here i am! i made a few songs and i wanted to share it with you. this is kind of like an ep and i want to put it on spotify but i don't think it's polished and good enough. someday, for sure! as for the long hiatus, i am currently recovering, but i think i'm getting better so i might even go back to making videos. this'll be the first thing i'll be uploading to spotify once i've made a better version that is worth listening. so, there you go, i hope you enjoy!

1. somehow
2. lakad

lalalalakad
saan ako papunta?
tinanong ko sa'king paa
lalalalakad
ayaw akong kausapin
nagsusuplado nanaman
'di sigurado sa mga plano
basta't makauwi bago mag-alas otso
ano ba kamo?
puwedeng ulitin?
lumalakas na ang pag-awit ng hangin

nais kong magpahinga muna
kumain ng pipino na may suka
ano ba ang gusto kong gawin
ngayong araw?
paano ko ba sasayangin?
tumatahol ang mga tuta
nang dumaan ako sa tindahan
tingin-tingin sa mga ulap
tumatawa na parang gago

wala akong maisip
wala naman laman ang utak
ano, ano na?

saan ang 'yong lakad?
puwede bang sumama?
bahala na kung sa'n mapadpad
lalalalakad
doon sa 'di maingay
gusto kong lumayo sa siyudad
buong maghapon
wala pa ring plano
sundan na lang natin ang pagsayaw ng sapatos
ano ba kamo?
telek si bai
oh sige, basta tayo'y maglakbay nang malayo

nawawalan ng hinga ang utak
limot ko na rin ang pagsulat
ano kaya ang dapat kong gawin
kapag ganito ang aking dilema?

hindi ko maisip
wala pa rin laman ang utak
agko la anta

lalalalakad
saan ako papunta?
tinanong ko sa'king paa
lalalalakad
ayaw akong kausapin
nagsusuplado nanaman
'di sigurado sa mga plano
basta't makauwi bago mag-alas otso
ano ba kamo?
puwedeng ulitin?
lumalakas na ang pag-awit ng hangin

wala akong maisip
naguguluhan na ang utak
agko la anta

lalalalakad
saan ako papunta?
tinanong ko sa'king paa
lalalalakad
ayaw akong kausapin
nagsusuplado nanaman
'di sigurado sa mga plano
basta't makauwi bago mag-alas otso
ano ba kamo?
puwedeng ulitin?
lumalakas na ang pag-awit ng hangin

lalalalakad
takasan ang problem
upang makapagginhawa
lalalalakad
dito sa bangketa
papunta sa kaligayahan
layuan mo ako,
masamang espiritu
na humuhugis sa may ihawan ng hakdog
ano ba kamo?
puwedeng ulitin?
tinatangay na iyon ng hangin

saan ang 'yong lakad?
puwede bang sumama?
bahala na kung sa'n mapadpad
lalalalakad
doon sa 'di maingay
gusto kong lumayo sa siyudad
buong maghapon
wala pa ring plano
sundan na lang natin ang pagsayaw ng sapatos
ano ba kamo?
telek si bai
oh sige, basta tayo'y maglakbay nang malayo

3. "it's raining!" "here, too!"
4. nilay

pumapatak ang luha ng ulap
'wag mong pakakawalan ang pangarap
langhapin mo ang lamig ng hangin
pakinggan mo ang tunog ng iyong damdamin

nakatingin sa lilang langit
kumukupas ang salitang gustong sabihin
ba't ang bilis ng takbo ng panahon?
unti-unting nawawala at naglalaho

ang lahat ng mga sandali sa iyong buhay
kaya ipangako mo sa sarili
na ang maliliit na bagay ay bibigyan mo ng kahalagaan
aalagahan

kinakausap ko ang mga halaman
naghahanap pa rin ng kasagutan
bakit sila naniniwala sa akin
kung kahihiyan ang nakikita ko sa salamin?

bumibilis ang tibok ng puso ko sa kaiisip
kaya puwede bang bumalik sa tahanan
magnilay sa aking kuwarto at sa unang pagkakataon
uunahin ko ang aking sarili
hihintayin ko ang Iyong tugon sa aking panalangin

gusto kong mapag-isa
at umiyak nang malakas
ika'y maaalala
gusto kong mapag-isa
at uulan nang malakas
ako'y maaalala
gusto kong mapag-isa
upang magpakalakas
gumawa ng ala-ala
gusto kong makasama ka
sabay natin pagmasdan ang paglakas ng ulan
papunta saan?✨ after laughter from paramore: a mash-up ✨nang tahimik snikpik! | episode 2 • a bit of guitalele and more pianoShure MV7: unboxing, setup, and review!from the start - laufey (short cover)geiko - ANXIOUS HEART (Official Audio)☀ A Cover: Appointments by Julien Baker ☀✨ Jam practice with the Indie boiss ✨toast - pinegrove (cover by geiko)kathang isip - ben&ben (short cover by geiko)nang tahimik snikpik | ep. 3 • violin time !!02.23.24

papunta saan? @lunti0wl

SHARE TO X SHARE TO REDDIT SHARE TO FACEBOOK WALLPAPER