Uploaded November 2011 | Updated September 2026, 2 weeks ago
Ang Cariñosa (o Karinyosa) ay isang magiliw na sayaw ng magkaparehang babae at lalake na animo'y nasa aktong nagliligawan. Taong 1992 nang palitan nito ang Tinikling bilang pambansang sayaw ng Pilipinas.
Ang salitang ito ay nangangahulugang mapagmahal at mapag-aruga na hango sa pamamaraan ng pag-indak at pag-indayog ng mga mananayaw nito sa saliw ng mabining awitin. Kapuna-puna sa mga sayaw ng Filipino, kabilang na ang cariñosa, ang pagpapakita ng matinding emosyon o damdamin. Sa cariñosa, ang babaeng mananayaw ay may tangan na panyo o pamaypay na panaka-naka niyang ipinangkukubli sa kaniyang mukha habang mayuming umiindak. Ang lalakeng mananayaw naman ay sumasayaw sa tila nang-aamong pamamaraan habang nakatingin sa mga mata ng kaparehang babae. Sa ganitong mga galaw ay makikita na ang mga mananayaw ay tila nagpapakita ng pagsinta sa isa't isa.