Noong Unang Panahon (1983) - Kuh Ledesma @randomretro7314
Noong Unang Panahon (1983) - Kuh Ledesma  @randomretro7314
Uploaded February 2022 | Updated September 2026, 5 hours ago
Noon Unang Panahon Lyrics

No'ng unang panahon, ang langit at lupa'y
Magkaratig halos laganap ang tuwa
Kapag sa banga ni butil ay wala
Ang gubat at ilog may handang biyaya

No'ng unang panahon, ang sikat ng araw
Ay nagpapalago sa bawat halaman
Bakit kaya ngayon kay init ng darang
Ilog tinutuyo, parang tinitigang

No'ng unang panahon, ang patak ng ulan
Pinasasariwa, dahong naninilaw
Ngayo'y nagngangalit, may hanging kasabay
May bahang kasunod na nakamamatay

No'ng unang panahon, ang puso ng tao'y
Marunong magmahal, hindi nanloloko
Sa hapis ng iba'y laang makisalo
Lalong pumayapa at hindi magulo

Pati na ang langit na dati'y kay baba
Ay nagpakalayo sa ulilang lupa
Bathala gumising, tuyuin ang luha
Ng nananawagan at nagpapaawa

No'ng unang panahon, ang langit at lupa'y
Magkaratig halos laganap ang tuwa
Bathala gumising, tuyuin ang luha
Ng nananawagan at nagpapaawa

No'ng unang panahon
No'ng unang panahon
No'ng unang panahon








Disclaimer :
I do not own any copyright materials, music, images, and video clips. No monetization. This video is solely for entertainment purposes only.
Noong Unang Panahon (1983) - Kuh LedesmaLouie Louie (1981) - Stanley Clarke & George DukeToss The Coin And See (1983) - Boy Katindig ft. Baron BarbersA Lovers Holiday (1980) - ChangePrelude/Features Of Love (1985) - Mike FrancisKahit Lalala Ay Pwede Na (1982) - Subas Herrero & Noel TrinidadTuloy Pa Rin (1990) - NeocoloursFree (1983) - Lerma De La CruzHold On (1988) - NeocoloursMagsayawan - VST & CompanyAle - Bodgie Dasig +🕊️Somewhere Down The Road (1981) - Barry Manilow
RANDOM RETRO |

Noong Unang Panahon (1983) - Kuh Ledesma

SHARE TO X SHARE TO REDDIT SHARE TO FACEBOOK WALLPAPER