Uploaded January 2026 | Updated September 2026, 2 weeks ago
Kailangan ba ng baka ang bubong?
Isa ito sa mga madalas naming marinig na tanong sa farm.
“Sir, hindi ba kawawa ang baka pag walang bubong?”
Based on our experience, ang baka ay grassland animal. Mas maayos ang galaw, pagkain, at overall comfort nila kapag nasa open environment na may sapat na espasyo at maayos na airflow. Hindi sila likas na dinisenyo para sa kulob at saradong kulungan.
Sa praktikal na sistema, kayang mabuhay at mag-perform ng baka kahit walang bubong — basta may:
• sapat na pakain
• malinis na tubig
• tuyo ang tapakan
• at may hangin o lilim kapag kailangan
Ang mas nagiging problema sa baka ay hindi ang ulan o araw, kundi ang:
• palaging maputik na lupa
• poor drainage
• init na walang airflow
• masikip at kulob na kulungan
Hindi ibig sabihin nito na walang silbi ang bubong.
Ang bubong ay management at welfare tool, hindi pang-araw-araw na requirement.
Sa aming setup, ang bubong ay para protektahan ang pakain, hindi para ikulong ang baka. Mas mahalaga ang tamang design—bukas, mahangin, at tuyo ang paligid.
Sa huli, simple lang ang prinsipyo:
Mas gumaganda ang performance ng baka kapag ginagaya natin ang kalikasan, hindi kinokontra.
Kaya kung tatanungin kami:
Kailangan ba ng baka ang bubong?
Ang sagot namin, based on our experience:
Optional ang bubong. Ginagamit kapag may malinaw na dahilan.
#KailanganBaNgBakaAngBubong
#BAKAalaman
#BasedOnExperience
#CattleFeeding
#FeedlotLife
#GreatArchFarm
#KabakangArnel