Uploaded May 2024 | Updated September 2026, 2 weeks ago
Lyrics and Music: Tambisan sa Sining
Ako’y manggagawa, Lina ang pangalan
Shifting ang trabaho sa aming pagawaan
Kung ika’y ma-assign sa shift na 10-to-6
‘Sang tasang kapeng matapang sa antok ay panlaban
Sahod na kakarampot ay hindi sapat
Sa pagkain at iba pang kailangan
Kulang pa ring pambayad sa mga utang
Kaya’t pambayad rito’y uutangin na naman
Ay, ay ang buhay ng aping manggagawa
Laging hahabol-habol sa bawa't oras
Sa dikta ng ganid na amo sa pabrika
Para kaming robot na susunod-sunod
Saksakan ng init sa loob ng pabrika
'Di maasahan ang clinic ‘pag may sakit ka
Bubulyawan ka pa ng masungit na bisor
Paano ba naman maaayos ang trabaho
Ay, ay kailan magbabago ang kalagayan
Nating manggagawa, o kay hirap ng buhay
Ay, ay kailangan na tayong magkaisa
Atin nang likhain ang ating kapalaran
Lyrics and Music: Tambisan sa Sining
Ako’y manggagawa, Lina ang pangalan
Shifting ang trabaho sa aming pagawaan
Kung ika’y ma-assign sa shift na 10-to-6
‘Sang tasang kapeng matapang sa antok ay panlaban
Sahod na kakarampot ay hindi sapat
Sa pagkain at iba pang kailangan
Kulang pa ring pambayad sa mga utang
Kaya’t pambayad rito’y uutangin na naman
Ay, ay ang buhay ng aping manggagawa
Laging hahabol-habol sa bawa't oras
Sa dikta ng ganid na amo sa pabrika
Para kaming robot na susunod-sunod
Saksakan ng init sa loob ng pabrika
'Di maasahan ang clinic ‘pag may sakit ka
Bubulyawan ka pa ng masungit na bisor
Paano ba naman maaayos ang trabaho
Ay, ay kailan magbabago ang kalagayan
Nating manggagawa, o kay hirap ng buhay
Ay, ay kailangan na tayong magkaisa
Atin nang likhain ang ating kapalaran










