Awit ng Pagwawasto | Filipino Maoist song @misskonaxia
Awit ng Pagwawasto | Filipino Maoist song  @misskonaxia
Uploaded February 2024 | Updated September 2026, 2 weeks ago
a song from gintong silahis-bicol

Lyrics:

Paano ko sasaluhin
ang isip mong may ligalig
ang mga pusong nanlalamig
na dati'y lipos ng init
sa diwang pagsilbihan
ang ating sambayanan ?

Paano ko sasagutin
ang mga tanong na binabato ?
Gayong ang totoo
ako man sa ngayo'y nalilito
sa paghihiwalay ng mali at wasto.

Nais kong isigaw at kayo'y pigilan
na ang аrmas ay 'wag bitawan
kahi't tayo'y naguguluhan
mahigpit pa rin itong tanganan.
Paano na ang mga naunang buhay
na buong giting na inialay
sa isang iglap ay mawawalan
na lang ba ito ng saysay ?

Gusto kong katukin ang inyong kamulatan
yugyugin ang katwiran, makiusap, bigyang-puwang
ang mahigpit na kaisahan.
Saan dadalhin ang mga hakbang
na dati'y bumabagtas sa lansangan
na ambag ng ating kilusan sa kalungsuran
sa pagsulong ng digmаng bауan ?

Saksi ang kanayunan sa pagal ng katawan
ng ating Раrtido at Hukbοng Baуаn
sa unti-unti at dahan-dahan
na pagpupundar ng laban
para sa entablado ng digmaаng baуan.

Pinagtagni-tagni natin bawa't pagawaan
komunidad, baybayin, eskwelahan
bawa't sulok at umpukan
kung saan matatagpuan
ang lahat ng aping mamamayan.

Paano ko sasaluhin
ang isip mong may ligalig
ang mga pusong nanlalamig
na dati'y lipos ng init
sa diwang pagsilbihan
ang ating sambayanan ?

Nguni't baki't dumating ang paglambong
sa yugto ng pagdududa at pagtatanong
na nagdulot ng ligalig at nginig
sa mga puso ng masa at kasamang nanlalamig ?
Kakayanin ba nating manood na lamang
at pikit-matang pakawalan ?
Hayaang masakluban ng mga pwersang kapwa Kaliwa at Kanan
ang sama-sama nating pinuhunanan
ng masustansyang buhay at kaalaman
hanggang sa lubusang tunawin
ang silahis ng Ρаrtido na tumatanaw sa atin ?
Hindi ! Kailanman ay hindi !

Haharap tayong may pagpapakumbaba
sa lahat ng napinsala
magpunyagi sa tunggalian
muling bagtasin ang sinumpaan:
Pagsisilbihan ang sambayanan
sa wastong paninidigan
Isusulong ang paglaban
hanggang sa tagumpay
ng digmаng bауan !
Awit ng Pagwawasto | Filipino Maoist songAng Buhay ng Hukbalahap | Filipino revolutionary song (AI cover)Giovinezza (but it is a high school hymn)Panawagan (The Call) | Filipino revolutionary songBayan Ko played using bellsSumulong Ka, Anak-pawis | Filipino revolutionary songLipunang Makatao | Filipino socialist songAnthem of Yugoslavia in HungarianAnak ng Bayan | Sons of the People (Filipino revolutionary song — rare version)Aegukga | National Anthem of Korea (1919-1948 version)Ang Gerilyay Napakahirap | HUKBALAHAP songNational anthem of Israel | Наmаs version
missyoy |

Awit ng Pagwawasto | Filipino Maoist song

SHARE TO X SHARE TO REDDIT SHARE TO FACEBOOK WALLPAPER