Aksyon Kababaihan   SENTRO News! @CenterforPeoplesMedia
Aksyon Kababaihan   SENTRO News!  @CenterforPeoplesMedia
Uploaded March 2017 | Updated September 2026, 1 week ago
TRAHEDYA SA FASTFOOD CHAIN
(23 MARCH 2017)
Respect Fast Food Worker's Alliance (RFFWA) hindi pabor sa Department Order 174 (DO174) na nilagdaan kamakailan ni Labor Secretary Silvestre Bello the third.

Ayon kay Ben leader ng RESPECT, sa karanasan kung hindi nila kinilusan ang kaso ng beinte dos anyos na si Marlo, na kanilang miembro, wala itong makukuhang anumang benepisyo mula sa ahensya.

Si Marlo ay namatay dahil sa cardiac arrest, matapos ang kanyang duty sa isang kilalang fast food chain.

Inilapit ng Respect sa management ang naging sitwasyon ni Marlo, pero ang tugon ng ahensya, limang daang pisong pabuya lamang ang inalok.

Bunsod nito, nagsagawa ng iba't-ibang kilos protesta ang RESPECT para igiit ang karapatan ni Marlo... Sa huli, matapos ang sampung araw nang mailibing si Marlo, tsaka lamang nagbigay ng Pitumpu't isang libong piso ang nasabing manning agency.

Para kay Ben, ang naturang DO174 ay kaparehas lamang ng naunang DO... na sa huli manggagawa ang lugi at talo. END

PENALTY CODE PINABORAN NG MIGRANT WORKERS
(23 MARCH 2017)
Bagong penalty code para sa mga employment agency na aabuso sa mga Overseas Filipino Workers o OFW, naging sentro ng ika-limang taunang pangkabuuang asembliya ng Progressive Labor Union of Domestic Workers.

Ayon kay Shiela Estrada, Pangulo ng Progressive Labor Union of Hongkong, naniniwala silang dapat bigyan parusa ang mga employment agency na lalabag sa kanilang mga karapatan bilang mga manggagawa.

Dapat aniyang sa mga mapapatunayang magkakasalang employment agency na patawan ito nang multang 350 thousandf Hongkong Dollars bukod pa ang pagkakakulong ng tatlong taon.

Daggad pa ni Estrada, sa kasalukuyang patakaran, nasa 50 thousand Hongkong Dollars lamang ang penalty sa sinumang employment agency na mapatunayang umabuso o nang abuso sa kanilang mga manggagawa.

Ang annual general assembly ay naganap noong Marso a-disi-nuwebe na idinaos sa Lecture Theatre 12, City University.

Umaabot sa isandaang miembro nito na pawang kababaihan ang nagsidalo sa naturang okasyon. END

AKSYON KABABAIHAN
SENTRO NEWS, Balitang kababaihan at Manggagawa!
Tuwing Huwebes sa DZRH 666Khz mula 9:30pm - 10:00pm
Aksyon Kababaihan   SENTRO News!HOW TO BLOG BY CPM EJLABOR DAY 2019K POP CONTEST 2019VideoRespect Fast Food Workers!CPM-EVERETT SM TRAINING 2018Peoples Media Advocacy, AsiaMACFAWA: An interview on the anniversary of Ka Embangs deathFFW YEAREND REPORT 2018Center for Peoples MediaRafael Amdrad testimony
Center for Peoples Media |

Aksyon Kababaihan -- SENTRO News!

SHARE TO X SHARE TO REDDIT SHARE TO FACEBOOK WALLPAPER