Uploaded October 2023 | Updated September 2026, 2 weeks ago
happy national peasant month !!!
Written in Hiligaynon by Servando Magbanua/Andante Arador (Jose Percival Estocada Jr). Sung in Filipino by Patatag. Unsung parts of the lyrics are in parentheses.
Lyrics:
Mangunguma akong nabun-ag sa dulom
Malulong hinaplos sang hanging bukidnon
Batiti sang iloy sa tunga sang talon
Walay panublion, kundi kaimulon.
1. Ako’y magsasakang isinilang sa dilim
Masuyong hinaplos ng simoy ng hangin
Aruga ng ina sa gitna ng parang
Walang mamanahin kundi kahirapan.
2. Ako’y magsasakang lumaki sa pag-ugit
Pagbungkal ng lupa’t pagtanim sa bukid
Inukol ang dunong sa kaingin at linang
Pawis kong ginugol, kapaki-pakinabang.
(3. Ako’y magsasakang sa gutom sinikil
Tiniis ang lahat dahil may hangarin
Magugutom lahat kung hindi sa akin
Nguni't, heto ako, hawak na alipin.)
4. Ako’y magsasakang may hangad lumaya
Sa kamay ng mga panginoong maylupa
Yaman na nagmula sa aking palayan
Sa kanya napunta, sa akin ay putikan.
(5. Ako’y magsasaka, isang magsasakang
Ang mahal na lupa’y karugtong ng buhay
Pa’no makakamtan kung kalakha’y wala
Karamiha’y api, paris kong tiwala ?
6. Ako’y magsasakang nakikipagbuklod
Sa kauring api at kapwa busabos
Sa gabay ng Partido ng manggagawa
Ang ating bayan ay ganap na lalaya.
7. Ako’y magsasaka na naninindigang
Uri sa uri ang kulay ng labanan
Ang Hukbong Bayan ang sandigan
Tiyak na babagsak ang mga gahaman.)
8. Ako’y magsasakang handang makihamok
Matatag ang tindig, matalas ang gulok
Ang bawa't katagang manggaling sa akin
Ay taga sa dibdib ng mapang-alipin.
happy national peasant month !!!
Written in Hiligaynon by Servando Magbanua/Andante Arador (Jose Percival Estocada Jr). Sung in Filipino by Patatag. Unsung parts of the lyrics are in parentheses.
Lyrics:
Mangunguma akong nabun-ag sa dulom
Malulong hinaplos sang hanging bukidnon
Batiti sang iloy sa tunga sang talon
Walay panublion, kundi kaimulon.
1. Ako’y magsasakang isinilang sa dilim
Masuyong hinaplos ng simoy ng hangin
Aruga ng ina sa gitna ng parang
Walang mamanahin kundi kahirapan.
2. Ako’y magsasakang lumaki sa pag-ugit
Pagbungkal ng lupa’t pagtanim sa bukid
Inukol ang dunong sa kaingin at linang
Pawis kong ginugol, kapaki-pakinabang.
(3. Ako’y magsasakang sa gutom sinikil
Tiniis ang lahat dahil may hangarin
Magugutom lahat kung hindi sa akin
Nguni't, heto ako, hawak na alipin.)
4. Ako’y magsasakang may hangad lumaya
Sa kamay ng mga panginoong maylupa
Yaman na nagmula sa aking palayan
Sa kanya napunta, sa akin ay putikan.
(5. Ako’y magsasaka, isang magsasakang
Ang mahal na lupa’y karugtong ng buhay
Pa’no makakamtan kung kalakha’y wala
Karamiha’y api, paris kong tiwala ?
6. Ako’y magsasakang nakikipagbuklod
Sa kauring api at kapwa busabos
Sa gabay ng Partido ng manggagawa
Ang ating bayan ay ganap na lalaya.
7. Ako’y magsasaka na naninindigang
Uri sa uri ang kulay ng labanan
Ang Hukbong Bayan ang sandigan
Tiyak na babagsak ang mga gahaman.)
8. Ako’y magsasakang handang makihamok
Matatag ang tindig, matalas ang gulok
Ang bawa't katagang manggaling sa akin
Ay taga sa dibdib ng mapang-alipin.










